Posts

Showing posts from November, 2018

values month theme 2018

Sa panahon ngayon nagiging isyu na ang sobrang paggamit ng gadgets ng mga kabataan. Ito ay dahil nauubos ang oras sa paggamit ng mga gadgets. Hindi nila nagagamit ang oras dahil sa mga laro at social media. Maraming oras ng kabataan ay nakalaan na sa mga gadgets. Mas gusto nilang kasama ang mga gadgets kaysa sa kanilang mga pamilya at kapwa. Nalilimitahan na nag kumonikasyon nila dahil mas pinipili nila nila ang makipag-usap sa social media.Pero may magandang dulot rin ang social media sa pang araw-araw na buhay, napakarami ng magagawa ang computer ngayon. Nakakatuwang isipin na napapadali at napapagaan ang maramingb Gawain ng mga tao. Lalong limiliit ang mundo, hindi na mahirap mawalay sa mga mahal sa buhay. Hindi dapat hayaan ang mga kabataan na isantabi ang kanilang pamilya at sa mahal sa buhay. Kailangang alalahanin na ang mga gadgets ay maaring mawala at masira ngunit ang pamilya at pakikipag-ugnayan sa kapwa ay walang kapalit at hindi masisira.

english month theme 2018

     Ang national reading month ay ipinagdiriwang sa buwan ng Nobyembre kung saaan itinataguyod nito ang pagmamahal sa pagbasa. Sa karamihan ng mga paaralan,ipinadiriwang ito sa mga iba’t ibang kumpetisyon ng mag-aaral.       Pagbasa: susi sa m,agandang kinabukasan, ay tungkol sa kahalagahan ng pagbasa sa pagkamit ng isang magandang kinabukasan. Alam nating lahat na sa pamamagitan ng pagbabasa madali nating maunawaan ang iba’t ibang mga bagay na nakasulat. Sa panahong ito, kapag hindi mo alam magbasa magkakaroonn ka ng isang nakakapinsalang buhay. Dahil kapag wala kang kakayahang nagbasa, nangangahulugang ikaw ay isang taong mababa ang buhay. Dapat pumasok sa paaralan para matutong magbasa at magsulat.      Ang pagbabasa ay may napakahalagang tungkulin sa buhay ng isang tao, sapagkat ito ay may malaking tulong sa pagtatagumpay sa buhay. Dapat gawing libangan ang pagbabasa. Libro at pagbasa ating pahalagahan pagkat ito ang maghahatid sa atin sa maliwanag na kinabukasan.