values month theme 2018
Sa panahon ngayon nagiging isyu na ang sobrang paggamit ng
gadgets ng mga kabataan. Ito ay dahil nauubos ang oras sa paggamit ng mga
gadgets. Hindi nila nagagamit ang oras dahil sa mga laro at social media.
Maraming oras ng kabataan ay nakalaan na sa mga gadgets. Mas gusto
nilang kasama ang mga gadgets kaysa sa kanilang mga pamilya at kapwa. Nalilimitahan
na nag kumonikasyon nila dahil mas pinipili nila nila ang makipag-usap sa
social media.Pero may magandang dulot rin ang social media sa pang
araw-araw na buhay, napakarami ng magagawa ang computer ngayon. Nakakatuwang isipin
na napapadali at napapagaan ang maramingb Gawain ng mga tao. Lalong limiliit
ang mundo, hindi na mahirap mawalay sa mga mahal sa buhay.
Hindi dapat hayaan ang mga kabataan na isantabi ang kanilang
pamilya at sa mahal sa buhay. Kailangang alalahanin na ang mga gadgets ay
maaring mawala at masira ngunit ang pamilya at pakikipag-ugnayan sa kapwa ay
walang kapalit at hindi masisira.
Comments
Post a Comment