children's month
Walang madaling propesyon dito sa
mundo subalit may mas hihigit pa ba sa propesyong pagiging isang magulang? Para
sa akin, ito ang pinakamahirap sa lahat ng karera sa mundo. Pinaplano ng
karamihan ang pagsalang sa hamong ito subalit minsan, sadyang binibigay
ito ng pagkakataon nang hindi pa napapanahon sa ibang tao.
Ang pag-aanak ay
isang panibagong malaking hamon. Ang siyam na buwan na pagdadalang-tao ng
isang ina ay puno ng maraming pisikal, mental at pinansyal na pagsubok. Bilang
mga magulang, responsibilad ng nanay at tatay ang tamang pag-aaruga sa anak sa
mabuti o maging sa pinakamasaklap na panahon. Nararapat na magsimula
sa tahanan ang tamang edukasyon, asal at disiplina upang maging mabuti at
kapakipakinabang na mamamayan ang mga bata.
Kung ang isang bata ay lalaking disiplinado at
maprinsipyo, siya ay magiging inspirasyon at magiging marangal na ehemplo sa
iba kaya napakalaking papel ang ginagampanan ng responsableng paggiging
magulang. Nakabatay sa tamang pag-aaruga ang kaunlaran at kahihinatnan ng
isang bansa.
Reference:
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1863227#readmore
Comments
Post a Comment