Tayo na't magsaliksik

     Tuwing buwan ng agosto ay ipinagdidiriwang ang buwan ng wika o buwan ng wikang pambansa. Ngayong taong 2018 ang tema ay Filipino:wika ng saliksik, ang ibig sabihin nito ay ang mainam na instrumento sa mahusay na pagsasalikaik. Ang kahulugan ng saliksik ay "research" na isa sa pinakamahalagang elemento sa pagpapa-unlad ng kaalaman.
     Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.  Sa pamamagitan ng tema, layon ng komisyon sa wikang Filipino na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.
     Ang temang Filipino ay wika ng saliksik dahil karamihan sa ating mga Pilipino ay hindi na gaanong alam ang ilan sa mga malalalim na mga salitang Filipino, dahil hindi na tayo madalas gumagamit ng wikang Filipino dahil nasasanay tayo na wikang ingles ang ginagamit natin. Kaya tayo nagsasaliksik para malaman ang ibig sabihin ng mga ito.

Reference:

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Reflection

Resiliency of Filipinos during Disaster

ugaliing magtanim sapat na nutrition aanihin